Monday, September 7, 2009
WIKANG FILPINO: MULA BALER HANGGANG BUONG BANSA
Buwan ng Wika, ito ay palagi nating ipinagdiriwang sa buwan ng Agosto. Dito, nagkakaroon
tayo ng mga paligsahan gamit ang ating pambansang wika, angwikang Filipino.
Ginagamit natin ang ating pambansang wika upang tayong mga Pilipino ay magkaunawaan at magkaisa. Ang wikang Filipino ang simbolo at pagkakakilanlan sa ating bansa. Ito rin ang sumisimbolo sa ating pagiging Pilipino. Magiging maunlad tayo kung gagamitin natin ito.
Napakahalaga ng ating pambansang wika. Gamitin natin ito upang maging maunlad tayo. Huwag din natin itong limutin. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda."
Subscribe to:
Posts (Atom)